top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Para sure na papasok sa isip nila, momshies... Tips para matulungang makapag-review ang mga chikitin

  • Jersy Sanchez
  • Sep 17, 2019
  • 2 min read

Napakahirap maging mommy lalo na kung ikaw ay working mom dahil bukod sa tra­baho, may mga gawaing-bahay pa na dapat tapusin. Gayundin, minsan ay hin­di na napaglalaanan ng oras ang pagtulong kay bagets sa kanyang pag-aaral. Pero, no more wor­ries da­hil we got you, mom­mies! Narito ang ilang tips para tulungang mag-review ang inyong anak:

1. GUMAWA NG TIME TABLE. Kung ikaw ay wor­king mom, napakala­king hamon ng pag-aalaga sa iyong anak. Kung medyo nahihirapan ka sa time ma­nagement, inirerekomen­da ang pagkakaroon ng study time table. Makatutulong ito para alamin kung anu-ano ang mga espesipikong araw na ilalaan para matulungan mong mag-review si bagets bago ang exam. Gayundin, make sure na pareho kayong nakapagpahinga bago mag-review para ma-absorb ni bagets ang kanyang inaral.

2. ALAMIN ANG LEARNING STYLE. Da­hil lahat tayo ay iba-iba, ang paraan para matuto ay ga­nundin, tukuyin ang pinaka­mabisang paraan para ma­tuto si bagets. Sey ng experts, kabilang sa ‘learning style’ ang visual, auditory at rea­ding learning.

Kung visual learner si ba­gets, madali siyang matututo gamit ang diagrams o mga gabay na nakikita habang nag-aaral, kung auditory naman, tumatatak sa isipan ang iba’t ibang konsepto kung maipa­liliwanag nang masinsinan ang mga ito habang kinaka­usap. Para matuto ang reading learner, kailangan niya ng ta­himik na lugar para magbasa.

3. MAGLAAN NG MAAYOS NA STUDY AREA. Dahil maiksi ang attention span ng mga bagets, dapat magkaroon sila ng study area na walang anu­mang distractions tulad ng laruan, gadgets at TV. Mas mabilis si­lang makapagpo-focus sa pag-aaral kung may­roon si­lang sariling area na malayo sa distrac­tions. Okie?

4. ONE SUB­JECT PER DAY. Madalas, sabay-sabay ang exam sa isang araw. Para hindi mahi­rapan sa pag-aaral, tukuyin kung alin sa mga subject ang pi­na­kamahirap at unahing ara­lin ang mga ito at ihuli ang ma­dadali.

Epek­ti­­­bong paraan ng pag-aaral ang pag­popokus sa bawat sub­ject kada araw. Tan­daan, hirap ang mga bata na isiksik lahat ng im­po­masyon nang sabay-sabay kaya mabu­ting iwasan natin ang in­formation over­load dahil sa halip na puma­sok sa isip ang inaral, baka ma­wala pa.

5. MATUTO KA­SA­BAY ANG ANAK. Bago simulan ang pag­tuturo kay bagets, da­pat sigu­rado ka sa mga ituturo mo sa kanya. ‘Ika nga, ang pagkatuto ay hindi natatapos kaya maging willing matuto kasa­bay ang iyong anak at ipakita na nag-e-enjoy ka habang ginagawa ito. Sa ganitong paraan, ma­hihi­kayat siyang mag-re­view dahil ikaw ang kasama niya.

6. HUWAG I-PRES­SURE. ‘Ika nga, hindi life and death mo­ment ang exam kaya mommies, huwag i-pressure si bagets dahil ka­hit hindi siya maka-perfect score, i-assure siya na ma­rami pang next time para bu­mawi.

Gayun­din, i-encour­age siya na ibi­gay ang best sa lahat ng kanyang gagawin.

Napaka-demanding ng pagiging ina pero, hindi ito hadlang para tulungang ma­tuto ang iyong mga anak, par­tikular sa pag-aaral.

Moms­hies, make sure na ibabahagi ninyo ang ilang tips na ito sa iba pang mom­mies na ka­ki­lala ninyo para sabay-sabay na matuto ang iyong mga chikiting.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page