top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nagbebenta at bumibili ng ‘nakaw na cellphone’, kakasuhan!

Isko Moreno
Sep 17, 2019
1 min read

Kamakailan, nagbigay tayo ng ultimatum hindi lamang sa mga nagbebenta ng cellphone na GSM o ‘galing sa magnanakaw’, pero maging sa mga bumibili nito na pananagutin sila sa batas, gayundin ang mga negosyanteng hinahayaang magbenta ng mga nakaw na cellphones ang kanilang mall o tindahan.

Dinampot ng Special Mayors’ Reaction Team (SMaRT) ang lima katao na diumano’y nagbebenta at bumibili ng nakaw na cellphone nang mag-inspeksiyon sa isang malaking mall sa C.M. Recto Avenue, Quiapo, Manila noong Biyernes nang hapon.

Naniniwala tayong mababawasan ang mga snatchers na patuloy na nambibiktima sa mga pobreng estudyante, mananakay at mamimili sa kung saan-saang kalye ng Maynila kung wala silang pamamaraan upang ito ay ibenta. ”Para kasing nagiging legal ito kung mismong mall ang nagpapahintulot na ibenta ito.”

Inatasan natin ang SMaRT Team sa pamumuno ni Major Rizalino Ibay na paigtingin pa ang operasyon kontra illegal gambling at iba pang street o petty crimes sa lungsod. Marami nang naging operasyon ang SMaRT na hindi lamang nailalathala, pero tuluy-tuloy lang kami upang maging ligtas ang Kamaynilaan.

Nananawagan tayo sa mga masasamang elemento na walang ginawa kundi ang mamerhuwisyo o mang-agrabiyado ng kapwa, itigil n’yo na ‘yan at magbago na kayo! Hindi pa huli ang lahat para makahanap kayo nang maayos at disenteng trabaho.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page