top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Empleyado, dinedbol ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Sep 17, 2019
1 min read

Cotabato City—Patay ang isang empleyado nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Rosary Heights-9.

Ang biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa ulo at likod ay nakilalang si Michael Laranjo, residente sa nabanggit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad pauwi sa kanilang bahay si Laranjo nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Nang matiyak na patay na si Laranjo ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page