3 Chinese na lider ng prostitusyon, nanunuhol ng P2 milyon, sopla!
- BULGAR

- Sep 17, 2019
- 2 min read
Narekober ng NCRPO-PDEA operatives ang may P27 million halaga ng shabu sa P. Tuazon Avenue, Quezon City kamakalawa.
Naaresto rin ang mga armadong suspek.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
NASAKOTE ang suspek na si Edgardo Labay Alfonso ng Bgy. Tramo, Pasig City at nakumpiska ang may apat na kilogramo ng droga at paltik.
Nilinaw ni NCRPO Chief P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar na bagaman, wala nang droga sa loob ng Bilibid, pero ang epektos na tinatransaksiyon ng mga bilanggo ay nasa iba’t ibang lugar!
◘◘◘
KINUMPIRMA ni Gen. Eleazar na high value target ang suspek dahil apat na kilogramo ang nakumpiska sa kanya.
“We can say that, siya ‘yung courier and player. Ang 4 kilograms, in our daily operation, wala tayong nahuhuling ganyan kaya na-consider natin na high value target ‘yan,” wika ni Gen. Eleazar!
◘◘◘
PINAMUNUAN ang pagsalakay nina PSSg. Lifford Liwan at PSSg. Reynaldo del Mundo, Jr. katuwang ang 14 iba pang operatiba ng RDEU-NCRPO, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Kahit nanganganib ang buhay ng mga pulis, sinisikap nilang pangunahan ang giyera kontra droga ni P-Digong!
◘◘◘
SINAMPAHAN naman ng kasong panunuhol ang tatlong suspek na lider ng Chinese Prostitution Syndicate sa Taguig Prosecutors Office.
Tinangka ng tatlong suspek na suhulan ng P2 milyon si NCRPO Special Operation Chief PLtCol. Rogart Campo!
◘◘◘
KINILALA ni Gen. Eleazar ang tatlong suspek na sina Atty. Joselito Vasquez, Malijohn Palma at Huang Xiangfei, Chinese na tubong Hunan, China.
Inaresto ang mga suspek noong Setyembre 6 dahil sa kasong human trafficking, pero naaktuhan silang nag-aabot ng P2 milyon kay PLtCol. Campo sa loob mismo ng Camp Bagong Diwa sa Taguig dakong alas-2:00 ng madaling-araw!
◘◘◘
ANG mga eksenang ito ay nagpapatunay na nabago na ang imahe ng pulisya mula nang maupo si P-Digong, partikular sa Kamaynilaan, naibalik na nila ang “Metro Manila’s Finest” ngayong panahon ni Gen. Eleazar.
“Our Regional Director Gen. Guillermo Eleazar has always demanded of us to respect our uniform. For my part, no amount of money from criminals can make be betray the leadership of our regional director,” wika ni PLtCol. Campo!





Comments