2 bebot tiklo sa shabu

Dalawang bebot na hinihinalang sangkot sa droga ang arestado sa P20,000 shabu sa Navotas City.
Kinilala ang mga suspek na sina Merry Chris Julian, 31, at Mary Anne Resurreccion, 39. Batay sa ulat, ala-1:00 ng madaling-araw nang magsagawa ng surveillance operation ang Northern Police District Special Operation Unit sa Bgy. NNBN kontra sa isang most wanted person nang mahulihan ang mga suspek ng sachet ng shabu.
Agad dinamba ang mga suspek at nang kapkapan, narekober sa mga ito ang limang sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P20,000 ang halaga.





Comments