top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Naku, naku, naku naman kasi! Supladita at feeling-reynang singer, ni kaway sa fans, 'di magawa,

  • Erlida Rapadas
  • Sep 16, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

Bihirang-bihira nang makita at mapanood sa mga shows at concerts ang isang singer-diva na dating nagrereyna-reynahan sa music scene. Dati, siya talaga ang top singer-performer ng bansa dahil hit lahat ang kanyang mga concerts (local man o abroad).

At dahil medyo classy at pasosyal ang kanyang imahe na supladita pa at walang ka-PR-PR sa tao, hindi nag-attempt ang ilan na mapalapit sa kanya. Feeling kasi ng da­ting sikat na diva, eh, ang husay-husay niyang singer at sikat na sikat siya.

Pero sa paglipas ng mga taon, marami nang bata at mas magagaling na singers ang dumating sa music scene. Nag-iba na ang takbo ng kapaligiran. Nagbago na ang taste sa musika ng marami. Hindi na sila basta humahanga sa mga diva, lalo na sa singer na napaka-aloof sa fans at hindi man lang maaasahan na kumaway o bumati.

Kaya naman isang araw, nagising sa katotohanan ang singer-diva na hindi na gaanong interesado sa kanya ang mga tao. Ayun, nagnegosyo na lang siya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page