top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga opisyal, tau-tauhan lang.. Bilibid, kontrolado ng mga presong drug lords

Lourdes Abenales
Sep 16, 2019
1 min read

Kontrolado na ng mga high-profile inmates ang sistema sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na ang mga high-profile inmates na makapangyarihan at mayayaman ang halos nagpapatakbo sa Bilibid.

“‘Yung mga high-profile inmates naging napakamakapangyarihan at napakamayaman na sila halos ang nagpapatakbo ng kulungan, hindi na ang gobyerno. Kasi sila na ang nagpapatakbo, eh,” ani Lacson.

Ang mga high-profile inmate rin aniya ang nakapagsasabi kung sinu-sino ang dapat ilipat ng kulungan, ma-confine sa ospital at kung paano tatakbo ang operasyon ng ilegal na droga sa labas ng Bilibid.

Sa paglipas ng panahon, sinabi nito na tumindi na ang maling kalakaran sa Bilibid kaya naging ‘helpless’ na aniya ang gobyerno.

Mabuti na lamang umano na nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado para mabulgar ang lahat ng maling sistema sa nasabing piitan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page