Mga kalugar tinalo.. Kelot na akyat-bahay, arestado
- Maeng Santos
- Sep 16, 2019
- 1 min read

Isang hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang arestado matapos pasukin at pagnakawan ang bahay ng kalugar sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang suspek na si Gerald Bartolome, 18, welder, ng Bgy 181.
Ayon kay Caloocan Police Deputy Chief for Administration PLtCol. Ferdie del Rosario, unang pinasok ng suspek ang bahay nina Lorna Mercolesa, 43, at Sheryl Ramilo, 26, kapwa ng Bgy.181, Pangarap Village sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana na sapilitan nitong sinira.
Kinuha ng suspek ang dalawang cellphones ni Lorna, ganundin ang tatlong cellphones, DVD, alahas at pera ni Sheryl.
Matapos nito, tumakas ang suspek habang humingi naman ng tulong ang mga biktima kina PCpl. Akkim Espanol at PCpl Michael Badiango ng PCP-4 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Bartolome alas-5:00 ng madaling-araw.





Comments