top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Mexican Navarrete, binigo si Pinoy Elorde sa WBO fight

  • Gerard Arce
  • Sep 16, 2019
  • 2 min read

Muling napanatili ni junior featherweight world champion Emma­nuel Na­var­rete ang kan­yang World Boxing Orga­nization (WBO) title sa ikalawang pagkaka­taon sa loob lamang ng isang bu­wan nang pigi­lan niya si Filipino challenger Juan Mi­guel Elorde sa 4th round kahapon ng gabi (linggo ng umaga sa bansa) sa T-Mo­ile Arena sa Las Vegas, Ne­vada.

Matagumpay na naipag­tanggol ni Navarrete (29-1, 25KOs) ang kanyang titulo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng mga Mehikano para sa ikatlong pagdepen­sa sa kanyang titulo sapul noong Mayo sa main under­card match sa Tyson Fury-Otto Wallin heavyweight title fight.

“I’m happy because I think I put on a great per­formance,” wika ni Navar­rete mula sa isang transla­tor.

“Fortunately, my oppo­nent is OK, and I came out here to put on a show. I hope the fans enjoyed it on my very first Las Vegas show on Mexican Independence Day Weekend. ‘Vaquero’ Navar­rete is here to stay.”

Nagawang magpasi­mula ng agresibong atake ng apo ni International Hall of Famer at Filipino Legend Gabriel “Flash” Elorde sa pagsisimula ng unang round nang kumunekta ito ng mag­kasunod na kaliweteng sun­tok kay Navarrete para pa­simulan ang laban na tila ki­nakapa pa ang estilo at galaw ng Filipino challenger.

Sa sumunod na round ay nagpakawala na ang 24-anyos na Mehikano ng kom­binasyon para kumunekta sa kaliwang katawan kasunod ng kanang uppercut sa pa­nga na tila naramdaman ng 32-anyos na si Elorde dahi­lan upang masaktan ito.

Lalong pinagtibay ng 122-pound champ ang kan­yang atake sa 3rd round ng bumakbak ito ng magkaka­sunod na power punches sa katawan at ulo ni Elorde (28-2, 15KOs) kasunod ang malulupit na kaliwa’t ka­nang kumbinasyon upang tawagan ito ng knockdown bago magtapos ang natu­rang round.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page