top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Loob at labas ng Bilibid, kontrolado ng mga drug lord, saklap!

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 16, 2019
1 min read

Mahihirapan na si Sen. Panfilo “Ping” Lac­son na makaporma bilang presidentiable.

Bistado na agad siya.

He-he-he!

◘◘◘

YUMAO na ang da­ting senador na si Rene Espina.

Isa rin siyang saksi noong panahon ng Mar­tial Law!

◘◘◘

MALINAW na kon­tro­lado ng mga drug lord ang loob at labas ng Bi­libid.

‘Yan ang mapait na katotohanan!

◘◘◘

GINARANTIYAHAN ng U.S. ang kaligtasan ng mga pasilidad ng Saudi Arabia laban sa atake ng mga kalabang bansa.

Pero, wala silang na­gawa nang bombahin ang Aramco oil fields!

◘◘◘

SINASABING bi­nom­ba ang pinakamala­king oil field sa Saudi ng mga rebeldeng Houti na nakabase sa Yemen.

Pero, binasted ito ng U.S. sa pagsasabing ang Iran ang bumomba sa loob ng teritoryo ng Saudi.

Maaaring maging hudyat ito ng ‘Ikatlong Digmaang Pandaigdig’!

◘◘◘

NAGBABALA ang Iran na ang lahat ng base- militar at aircraft carriers ng U.S. ay maaabot ng nuc­lear missiles nila.

Malinaw na banta ito ng digmaan!

◘◘◘

INAASAHAN ang pag­lobo ng presyo ng pet­rolyo.

Asahan ang krisis sa langis kasama na ang elektrisidad bago mag-Pasko!

◘◘◘

APEKTADO sa krisis ang halos 5 milyong OFWs na nagtatrabaho sa Middle East.

Malaking bawas ito sa bilyun-bilyong dollar remittances!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page