Inagawan ng motor, pulis pala.. Karnaper binaril, todas

Patay ang isang karnaper habang nadakip ang kasama nito nang agawan ng motorsiklo ang isang pulis sa Las Piñas City.
Nangyari ang insidente ala-1:30 ng hapon sa Tionquiao St., Bgy. Manuyo Dos ng nasabing lungsod habang ang biktimang si Corporal Eric Jones Ambat ng Las Piñas City Police ay sakay ng kanyang motorsiklo.
Habang binabagtas ni Cpl. Ambat ang kahabaan ng Tionquiao St., nang biglang sumupot ang dalawang suspek na armado ng baril.Sinasabing inagaw ng dalawang suspek ang motor ni Cpl. Ambat na Mc motorcycle na lingid sa kaalaman ng dalawa na pulis ito.
Nang makuha ang motor, dito na binaril ng pulis ang dalawang suspek na nauwi sa barilan hanggang sa tamaan ang suspek sa iba’t ibang parte ng katawan.
Masuwerte naman hindi tinamaan si Cpl. Ambat. Sa ngayon, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing suspek habang ang isa ay nasa detention cell ng pulisya.





Comments