top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Iba‘t ibang uri ng palay na akma sa climate change, naimbento para walang lugi

  • Ryan B. Sison
  • Sep 16, 2019
  • 1 min read

Ang pagtatanim ng palay ay mahaba at matrabahong proseso.

Kapag nagsimula nang bumagyo o lumala ang tagtuyot, damang-dama ng mga magsasaka ang epekto nito sa ka­nilang kabuhayan.

Sa halip na may anihin at maibenta, napupunta sa wala ang kanilang pinag­hirapan.

Dahil dito, lumikha ang grupong Mag­sasaka at Siyentipiko Para sa Pag-unlad ng Agrikultura (MaSiPag) ng iba’t ibang binhi ng palay na akma sa climate change.

Mahigit 2,000 klase ng palay na ang nagawa ng MaSiPag kung saan kayang labanan ng mga ito ang tagtuyot, baha, saltwater, peste at iba pang sakit ng palay.

Ipinaliwanag ng grupo ang kahala­gahan ng proyekto para anumang pana­hon ay may aanihin ang mga magsasaka.

Gayundin, umaasa ang MaSiPag na makatutulong ang proyekto para ma­pa­ganda at mapanatili ang ani ng mga lokal na magsasaka.

Napakalaking tulong nito sa mga magsasaka dahil sa totoo lang, walang pa­nahon at pagod na masasayang kung kayang mag-adapt ng palay sa pabagu-bagong panahon.

Dapat suportahan ng pamahalaan ang mga ganitong uri ng proyekto dahil kung patuloy na masasayang ang itinatanim ng mga magsasaka, tataas ang posibili­dad na magkaroon ng rice shortage sa bansa.

Ang mga magsasaka ang lumilikha ng pagkain ng bayan kaya panawagan sa gobyerno, mga programang makatu­tu­long sa magsasaka, suportahan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page