top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

France, bronze medalist kontra Australia sa FIBA

  • Alvin Olivar / VA
  • Sep 16, 2019
  • 2 min read

Nakopo ng France ang bronze medal sa FIBA Basketball World Cup 2019 pagkaraang manalo kontra Australia, 67-59, kahapon sa Beijing Wukasong Arena sa Beijing, China.

Nanalo ang France matapos humabol sa 15 points na abanse ng Australia upang makuha ang bronze medal sa torneo. Natalo ang France kontra Argentina, 80-66, sa semifinals ng kompetisyon pero nakabawi ang koponan para makakuha ng medalya.Inulit ng France ang kanilang pagka-panalo ng tanso sa World Cup. Noong 2014 ay tinalo ng France ang Lithuania upang makuha ang bronze. Nanguna si Nando De Colo para sa atake ng France pagkaraang tumapos ng 19 points habang gumawa rin si Evan Fournier matapos umiskor ng 16 points.

Lumamang ang France sa pamamagitan ng two free throws at tres ni De Colo para makuha ang 50-46 na abanse. Nabalik sa Australia ang abanse matapos ang lay-up ni Patty Mills, 54-53, pero sumagot ang France sa pag-iskor ng lay-up ni Rudy Gobert, 60-56.

Gumawa rin si Andrew Albicy para sa France sa kanyang pagbuslo ng tres para sa 63-56 na kalamangan upang tuluyan nang masungkit ang panalo.Nanghinayang ang Australia sa kanilang pagkatalo dahil lamang pa ang koponan, 40-25, sa second quarter ng laro.

Kahit bigong makuha ang bronze ay umakyat naman ang ranking ng Australia pagkaraang tumapos lamang na pang-12th noong nakaraang World Cup. Gumawa ng 17 points si Joe Ingles habang 15 ang itinala ni Patty Mills. Samantala, apat na puntos lang ang iniskor ni Matthew Dellavedova para sa Australia.

Samantala, bumawi sa napakaraming turnovers na itinala nila sa regulation ang University of Sto. Tomas upang maagaw ang panalo sa National University,87-74, sa overtime kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page