top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2,000 katao, apektado ng Habagat

  • Jeff Tumbado
  • Sep 16, 2019
  • 1 min read

Nasa mahigit 2,000 indibidwal o 480 pamilya ang apektado ng hagupit ng Habagat na pinalakas ng tropical depression ‘Marilyn.’

Batay sa impormasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umiral ang Habagat sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas Region.

May kabuuang 2,360 indibidwal ang naitalang apektado ng naranasang pag-uulan bunsod ng Habagat.

Nananatili ang 1,815 indibidwal sa itinalagang apat na evacuation center na ang ilan sa mga apektadong residente ay mula sa Regions 9, 11 at 12.

Samantala, nawasak naman ang karamihan sa mga kabahayan sa bahagi ng South Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat dahil sa paghampas ng malalaking alon habang nagkaroon ng pagbabaha sa ilang lugar sa Regions 3, 6 at 9.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page