Umihi at uminom ng alak sa beach.. 2 Chinese at 2 Koreano, arestado sa Boracay

Inaresto ng mga awtoridad ang mga pasaway na Chinese at Korean nationals makaraang lumabag sa mga ipinagbabawal sa isla ng Boracay sa Aklan.
Huli sa akto ang dalawang Chinese na umiihi sa White Beach sa isla.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawa at binigyan ng citation tickets.
Samantala, dalawang turista mula sa South Korea ang dinakip din matapos silang maaktuhang umiinom ng alak sa beach.
Ipinagbawal ang pag-inom ng alak sa white beach mula ng isinailalim sa anim na buwang rehabilitasyon ang isla.





Comments