Sen. Gordon at Sen. Pacquiao out, Mayor Isko, next President ni P-Digong
- BULGAR

- Sep 15, 2019
- 2 min read
MAYOR ISKO, TYPE NI P-DUTERTE NA MAGING ‘NEXT PRESIDENT’, HINDI SINA SEN. GORDON AT SEN. PACQUIAO? — Sa launching ng Philippine Red Cross (PRC) M/V Amazing Grace noong May 9, 2017, sinabi ni P-Duterte na si PRC Chairman/Sen. Richard Gordon daw ang puwedeng maging ‘next president’ at noong birthday naman ni Sen. Manny Pacquiao noong December 17, 2017, sinabi ng pangulo na puwede rin daw itong (Pacman) maging pangulo ng Pilipinas. Pero noong Setyembre 11, 2019 sa kanyang statement sa Malacañang, sinabi ng pangulo na bilib daw siya kay Manila Mayor Isko Moreno dahil mas mahusay daw ito kaysa sa kanya sa pagpapatakbo ng gobyerno.
Kumbaga, parang sinabi na rin ni P-Duterte na si Mayor Isko na ang type niyang maging ‘next president’ at hindi na sina Sen. Gordon at Sen. Pacquiao, boom!
◘◘◘
INUTIL ANG DOLE SECRETARY KAYA MARAMING JOBLESS — Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS), pumalo na sa 9.8 milyong Pinoy ang jobless.
Patunay ‘yan na inutil si Sec. Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa paglikha ng mga trabaho kaya maraming Pinoy ang tambay ngayon sa bansa, buwisit!
◘◘◘
MAY BAD NEWS SA PAMILYA ESTRADA — Ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit ni ex-Sen. Jinggoy Estrada NA i-dismiss ang kaso niyang plunder kaugnay sa ‘Pork Barrel Scam’ na kinasangkutan nila ni Janet Lim Napoles.
‘Yan ang hindi magandang balita sa pamilya Estrada kasi buong angkan nila ang natalo sa nakalipas na eleksiyon tapos tila makukulong pa ulit si Jinggoy, saklap!
◘◘◘
SMUGGLING NG “KIMBERLY GANG” SA BUREAU OF CUSTOMS, TULOY PA RIN — Hanggang ngayon ay tuloy pa rin daw ang smuggling operations ng “Kimberly Gang” sa Bureau of Customs.
Ang tatag talaga ng “Kimberly Gang” kasi kahit sinong mamuno sa Customs ay walang katinag-tinag ang raket nila sa Adwana, pwe!





Comments