Rider, dedo sa bus
- Levi Gonzales
- Sep 15, 2019
- 1 min read
Dead-on-arrival sa ospital ang rider matapos makasalpukan ang pampasaherong bus sa Bgy. San Vicente, Sto. Tomas, Batangas.
Kinilala ang biktimang si Globert Arellano, 43, company employee, ng Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro.
Alas-11:20 ng tanghali, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng highway nang kainin umano ng Philtranco bus na minamaneho ng suspek na si Mario Rambuyong, ang kanyang linya.
Nasapol ang unahang bahagi ng kanyang motor kung saan tumilapon ang biktima.
Nadala pa ito sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival habang tumakas ang driver ng nasabing bus.





Comments