top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Palagi na lang sina Rizal, Bonifacio, Del Pilar etc. War veterans, mga bayaning hindi kilala ng madl

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 15, 2019
2 min read

Agarang Solusyon ni Sonny Angara

Kapag tinanong mo ang mga bata kung sinu-sino ang mga bayani ng Pilipinas, hindi ka pa kumukurap, nakasagot na sila. “Jose Rizal!” “Andres Bonifacio!” “Gregorio del Pilar!” “An­tonio Luna” at marami pang iba.

Tama naman. Pero, paano ang mga nagbuwis din ng buhay na mga beterano ng digmaan noong panahon ng giyera, ‘yung Ikalawang Dig­maang Pandaigdig? Paano natin sila ma­ipakikilala sa mga anak natin na tulad nina Rizal, Bonifacio, Del Pilar, Luna etc. na nagbuwis ng kanilang buhay, maipagtanggol lang ang Pili­pinas mula sa mga dayuhang mananakop?

Nakalulungkot na hindi sila napapangalanan sa mga aklat ng kasaysayan ng Pilipinas at tila ibinaon na lang sila sa limot.

Panahon na para ipakilala sila sa mga bagong henerasyon, bigyan ng parangal at rekognis­yon!

Dahil dito, hiniling natin sa Philippine Vet­e­rans Affairs Office o PVAO na magpalabas ng mga dokumentaryo at gumawa ng mga pelikula na pagbibidahan ng mga war veteran. Sa pama­magitan nito, unti-unti natin silang maipakikilala sa sambayanan.

Ang suhestiyon natin, ipalabas ang mga do­kumentaryo o short film man lang sa internet o sa Netflix upang mapanood nang paulit-ulit.

Tulad ng Estados Unidos na nagpapalabas sa talambuhay ng kanilang mga bayani, maaari rin nating gawin ito upang mailapit ang mga be­terano sa kaalaman ng kasalukuyang salin­lahi.

◘◘◘

Magandang ideya na tuluyan nang ipagba­wal ang paggamit ng plastik. Pero, tila marami sa mga Pinoy ang hirap baguhin ang nakasa­nayan.

Sa mga grocery store o supermarket, marami ang nagrereklamo kapag sa paper bag inilalagay ang kanilang mga ipinamili. Maaari raw kasi itong mapunit dahil walang hawakan o mabutas kapag may frozen items silang binili.

Para sa atin, hindi malaking problema ang gro­cery plastic bags dahil may eco bag naman na maaari nating ulit-ulitin nang paggamit dahil washable ang mga ito.

Kung gusto nating tumu­long sa pag-aalaga sa kalikasan, dapat sa maliit na paraan ay na­kikiisa tayo.

Ang isa pang pinakamahirap iwasan ay ang paggamit ng plastic straw sa mga fastfood at packed beverage.

Sa ngayon, mayroon tayong panukala sa Senado, ang Senate Bill 954 o Straw Regulation Act o Proposed Straw Regulation Act.

Kabilang sa ating proposisyon ang paki­usap sa mga manufacturer ng pre-packed be­verages na gumawa ng mga produktong tiyak na hindi makasisira sa kalikasan tulad ng pag­bawas sa paggamit ng plastic straw.

Sa totoo lang, hindi ganu’n kadaling bagu­hin ang nakasanayan. Pero, kung kakayanin, puwedeng gumawa ng paraan para maiwasan ang paggamit ng plastic drinking straw.

Sa ating panukala, inaatasan ang lahat ng commercial establishments na nagbebenta ng mga inumin na huwag magbigay ng straw sa kanilang kostumer.

Pero kapag mapilit, dapat bayaran nila ng dalawang piso (P2) ang kada piraso ng straw at sa pre-packed beverages, aatasan silang huwag nang idikit sa pakete ng inumin ang straw. Ngunit, kung maghahanap ang kliyente, babayaran nila ito ng dalawang piso (P2).

Sa ilalim pa rin ng ating bill, ipinanunukala natin ang pagtatatag ng straw disposal and collection facilities sa commercial establish­ments para matiyak na mare-recycle ang mga ito at hindi daragdag sa mga plastic na basura.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page