Naka-suerte ang Red Warriors kontra DLSU Green archers
- BULGAR

- Sep 15, 2019
- 1 min read

Umiskor si Rey Suerte ng career-high na 31 puntos upang pamunuan ang University of the East sa 89-88 na panalo kontra De La Salle University kahapon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Ibinuslo ng dating 2-time CESAFI MVP ang huling anim na puntos ng Red Warriors upang ibigay sa koponan ang una nilang tagumpay matapos ang apat na laban.
Nagposte si Suerte ng 5-of-7 shooting sa 3 point range bukod pa sa 7 rebounds at 3 assists para mabigyan si coach Bong Tan ng una nitong panalo. “One word: Suerte. Swerte lang,” anang UE consultant na si Lawrence Chongson.
Ipinukol ni Suerte ang 3 pointer na nagpalamang sa Red Warriors sa iskor na 86-85, may 15.4 segundo na lang ang natitirang oras.
Lumamang pa sa huling pagkakataon ang Green Archers matapos sumagot si Aljun Melecio ng isa ring tres, 88-86, may natitira na lang 10.8 segundo sa oras.(VA)





Comments