top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Best in attendance, antukin, mahilig tsumismis etc... Iba‘t ibang uri ng empleyado

  • Jersy Sanchez
  • Sep 15, 2019
  • 2 min read

Iba‘t ibang uri ng empleyado

Lahat tayo ay may iba’t ibang per­sonalidad sa bahay, paaralan at trabaho. Minsan, ito pa ang “nick­name” ng ilan, lalo na sa work­place. Gayundin, dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang perso­nalidad ng mga katra­baho natin, dito natin makikita kung anong klase ng empleyado ang bawat isa.

Gayunman, bet n‘yo bang kilala­nin ang iba’t ibang uri ng empleyadong Pinoy?

1. BEST IN ATTENDANCE. Siya ‘yung palaging wagi sa perfect attendance incentive dahil sa kanyang kasipagan. Lodi ng lahat dahil gaanuman kalakas ang bagyo, papasok pa rin siya dahil para sa kanya, sa­yang ang isang araw kung a-absent siya.

2. BEST IN TARDINESS. Kung may best in attendance, siyempre, mawawala ba ang mga katrabaho nating halos non-existent dahil sa dami ng late at absent? Siya ‘yung madalas nagda­dahilan ng sakit ng ulo, LBM at biglang nilagnat. Ooops!

3. ADIK SA KAPE. Kape na ang du­madaloy sa kanyang dugo dahil gina­gawa na niyang tubig ang kape. Kung may “tok­hang” sa mga adik sa kape, siya ang una sa listahan. May kilala ka bang katulad niya?

4. FUNNY ONE. Siya ‘yung mada­las na sinasaway dahil sa kaingayan. Ga­yun­­din, siya ‘yung nagbibigay-saya sa tahimik at busy na opisina. Siya ang “happy pill” ng departamento n’yo.

5. TULOG IS LIFE. Hindi naman siya puyat o pagod pero hangga’t may oras at pagkakataon, asahan mong nakayuko siya sa station niya. Siya ‘yung bumabangon para matulog ulit. He-he-he!

6. O.C ONE. Pumapasok, nagbi-break at umuuwi sa eksaktong oras. Or­ganized sa lahat ng gamit at traba­ho, gayundin, asar siya sa mga burara sa gamit lalo na kapag hindi ibi­nabalik agad ang mga hiniram sa kanya.

7. DALDALITA. Gaanu­man kara­mi ang workload niya, hindi ito hadlang para chumika siya dahil ito ang pam­pagising niya. Lahat tayo ay may kila­lang ganito. Agree?

8. HUMAN REFRIGIRATOR. Hin­di nawawalan ng kutkutin o mer­yenda sa bag o drawer. ‘Yung tipong parang may sarili siyang pantry. Siya rin ‘yung paborito mong katabi lalo na kung bet mo ang mer­yendang dala niya. Aminin!

9. TEA-TA. Siya ‘yung ‘tita’ ng de­partamento at literal na mahilig sa tsaa at ‘tea’, as in, chismis, ganern! ‘Yung ti­pong super-chika sila ng mga amiga niya kapag breaktime habang humihigop ng tsaa. Ha-ha-ha!

Oh, mga besh, ngayong kilala n’yo na ang iba’t ibang uri ng empleyadong Pinoy, sino kayo sa mga nabanggit? For sure, may kakilala kayong isa sa kanila o kayo mismo ang mga ito.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page