Pondo ng bayan, 'wag daw sayangin… Mother Ricky: CR ng mga bading, wa' 'wentang issue!
- BULGAR

- Sep 14, 2019
- 2 min read

Super trending ang naging pahayag ng gay icon at negosyanteng si Ricky Reyes tungkol sa LGBTQ members. Pati si Presidente Rodrigo Duterte ay tila nag-react sa mga sinabi ni Mother Ricky.
Napangiti lang si Mother Ricky when we told him about this sa aming eksklusibong panayam sa kanya last Thursday.
“Nakakatuwa siguro kasi nag-change gear ang presidente. Si Presidente naman, ever since, love niya ang mga bading. He told me that two years ago when we went to Davao for an event and Mayor Duterte was our guest of honor,” panimula ni Mother Ricky.
Pero ‘di porke love ni Pres. Digong ang mga bakla, mag-o-overboard naman daw sila.
“Kailangang ipakita natin sa kanya na tayo ay worthy of his paghanga, ‘di ba? At ipakita natin, patunayan natin na tayo ay tutulong sa kanya. Dahil lahat ng problema sa Pilipinas, hindi naman kaya ng presidente. Kailangan niya ang mga Pilipino na tumulong din sa kanya. Eh, ang mga bading pa naman, malalambot ang puso, mabait. Sana, ‘yung kalambutan ng puso natin, kabaitan natin, gamitin na lang natin sa pagtulong sa kapwa.”
Tinanong namin si Mother Ricky kung sakaling ipatawag siya ng Senado para sa pagdinig ng controversial SOGIE Bill, pupunta ba siya?
“Ah, siguro, oo. Pero parang ano naman,” pagdadalawang-isip niya.
“Huwag na lang dahil mapapahiya naman ang mga bakla dahil sasabihin ko naman ang totoo na bakla kami, ‘di ba? Na ang bakla ay bakla. That’s it.
“Wala nang mangyayari. Maski gilingin mo ‘yan, hamburger nga ang sabi ko, ‘di ba? Dahil ang bakla, ‘yan na ‘yan, eh. Maski ano’ng gawin mo, ganoon pa rin. Ang sabi ko nga, imbes na kami ang maging problema, sana, maging parte kami ng solusyon, ng ikagaganda ng buhay ng maraming tao.”
Para sa kanya, ang Senado ay dapat magtrabaho para sa kapakanan ng nakararami at hindi sa kabaklaan.
“Pati ba naman pag-ihi ng bakla, dadalhin pa sa Senado? Hello! Ang daming Pilipinong nagugutom. Maraming mga out-of-school youth. Maraming young mothers out there na walang pagkaing ibibigay sa kanilang anak. Nand’yan pa ang droga, ang korupsiyon. Siguro, ‘yun ang dapat nilang talakayin, hindi ang pag-ihi ng bakla sa public toilet.
“Dyusko, it’s such a… napakaliit na bagay para paglaanan ng pondo ng mga senador. ‘Yung gagastusin d’yan, gastusin na lang natin sa mga taong matutulungan natin,” diin pa ni Mother Ricky.





Comments