Faeldon, 'malas' ang dala sa mga pinaglalagyang puwesto
- BULGAR

- Sep 14, 2019
- 1 min read
Nabawasan ng P2 bilyon ang remittance ng mga OFWs mula sa Qatar.
‘Yan ang totoong krisis!
◘◘◘
MAY bagong baby na ipinakilala ang dating child actor na si “Buboy” Villar.
Siya raw ang daddy!
◘◘◘
SA China raw lalaban si Floyd Mayweather, Jr..
Ganyan talaga ang duwag!
◘◘◘
SANGKATERBANG opisyales na ang sinibak sa Bureau of Customs na dating pinanggalingan ni ex-BuCor Chief Nicanor Faeldon.
Sandamukal din ang nasibak sa BuCor na pinanggalingan din niya.
Malamang, nagdarasal ang mga taga-Malacañang na huwag sana siyang gawing executive secretary ni P-Digong!
◘◘◘
NAMUMURO na ang joint oil exploration ng China at Pilipinas.
Hindi nga?
◘◘◘
NAKIPAGKITA kay Mayor Isko ang ambassador ng China.
Baka ire-reclaim ng Beijing ang Manila Bay?
◘◘◘
IKAKALAT ng NFA ang bigas sa merkado.
Sino kaya ang uutusang magwalis?
He-he-he!
◘◘◘
NAKAWALA ang mga pusakal na kriminal sa BuCor matapos magbayad.
‘Yan ang hindi malilimutang jailbreak!
◘◘◘
MALAMIG na ang simoy ng hangin.
Nararamdaman na ang papalapit na Pasko.
Puwede rin kayang tumanggap ng “gift” ang mga taga-airport?





Comments