Sex video kasama ang ‘misis’, ikinalat.. Koreano inaresto, nag-suicide
- Maeng Santos
- Sep 13, 2019
- 1 min read

Isang Koreano ang dinakip matapos ireklamo ng kanyang live-in partner dahil sa pagpo-post ng kanilang sex video sa social media ang nagtangkang magpakamatay sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, dinakip si Xiwoo Kwak, 40, ng Bgy. Kaligayanan, Novaliches, Quezon City, matapos ireklamo ng Pinay na kinakasama dahil sa pagpo-post umano ng suspek ng kanilang sex video sa social media.
Alas-3:00 ng hapon, dinala ang Koreano sa Caloocan Judicial Hall para i-inquest at nang lalagdaan na ni KwaK ang inquest form ay nagpipiglas ito na nakatawag sa atensiyon ng mga nakapaligid.
Tinangkang payapain ng mga pulis si Kwak subalit, nakadampot ito ng basag na tile na ginamit sa paglaslas ng kanyang pulso kaya itinakbo ito sa Caloocan City Medical Center para magamot. Ani Col. Flores, bukod sa paglabag sa Anti-Voyeurism Law, kakasuhan din ang Koreano ng alarm and scandal at resistance and disobedience to persons in authority.





Comments