Pinakamataas na attendance ng mga kong. sa sesyon, naitala!

Biyernes-trese o Friday the 13th ngayon.
Ingat po sa disgrasya!
◘◘◘
NAITALA pa ulit ng Kamara ang isang paniwalaan-dili.
Naimarka ang “247 record-high average attendance”.
Naks naman!
◘◘◘
AYON kay Speaker Alan Peter Cayetano, naitala ang record-high average attendance sa loob ng 18 session days mula Hulyo 22 hanggang ika-10 ng Setyembre.
Batay ito mismo sa opisyal na record ng House Committee on Rules!
◘◘◘
MAGING si House Deputy Speaker Neptali Gonzales II ay napahanga sa ipinakikitang dedikasyon ng mga kapwa kongresista.
Ayon kay Rep. Gonzales, matagal na siyang nagsilbi bilang kongresista at naging Majority Floor Leader na rin ng Kamara noon, pero ngayon lang aniya ito nangyari na mataas ang average ng attendance!
◘◘◘
MATATANDAANG 266 kongresista ang dumalo sa sesyon noong August 13, araw matapos ang Eid al-Adha at 259 ang nasa sesyon noong August 27, matapos ang pagdiriwang ng National Heroes' Day.
Sa ngayon, patuloy ang deliberasyon sa 2020 National Budget sa plenaryo matapos itong maaprubahan sa committee level noong September 6!
◘◘◘
KAYA naman asahan na ng taumbayan na makalulusot ang Pambansang Badyet sa Kamara bago mag-October 4.
Kaya malaki ang pasasalamat ni Rep. Gonzales sa liderato ni Speaker Cayetano dahil sa pagiging hands-on Speaker nito.
◘◘◘
KAILANGANG kayod-kalabaw ang gawin ng mga kongresista upang maisabatas ang mga priority bills ni Tatay Digong.
Ito ay para hindi na muling magkaroon ng aberya sa pag-aapruba ng Pambansang Badyet tulad noong nakaraang Kongreso!





Comments