top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Payment center hinoldap, katiwala binaril

Levi Gonzales
Sep 13, 2019
1 min read

Tinangay ng mga hindi pa nakikilalang holdaper ang koleksiyon ng isang payment center bago binaril ang tagapamahala nito sa Sitio Pawpawan, Bgy. San Salvador, Baras, Rizal.

Alas-6:30 ng hapon nang isasarado na ng biktimang si Cyrel Panadero, 34, ang establisimyento nang may humintong motorsiklo sa kanyang harapan.

Agad siyang tinutukan sabay kuha ng bag kung saan nakalagay ang pera at iba’t ibang IDs nito. Bago tumakas ang mga suspek, binaril pa ang biktima sa kanyang tiyan.

Dinala ang biktima sa pagamutan habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page