One-stop shop sa mga ospital, kasado na

Inumpisahan nang dinggin sa Senado ang panukalang-batas para sa pagtatatag ng mga Malasakit Center sa buong bansa.
Layunin ng Senate Bill No. 199, na kikilalanin bilang Malasakit Center Act of 2019, na gawing institusyon ang nasabing one-stop shop ng mga ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan ng PCSO, PAGCOR, PhilHealth, DSWD at DOH na mahihingan ng tulong ng mga kapus-palad sa pagpapagamot o pagbayad ng hospital bills.
Ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go, author ng naturang bill at may ideya sa Malasakit Center, ang pagsasabatas ng one-stop shop ay magsisiguro na maipagpatuloy ang programang ito kahit tapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagpakita naman ng suporta ang iba’t ibang ahensiya sa naturang panukalang-batas tulad ng PhilHealth, DSWD, DBM, Philippine Coalition of Consumer Welfare sa pagdinig sa Senado.
Present din sa pagdinig ng Senate Committee on Health kung saan si Go rin ang chairman nito, sina Senators Koko Pimentel, Risa Hontiveros at Nancy Binay na nagbigay ng ilang suhestiyon kaugnay sa Malasakit Center Bill.





Comments