top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kelot, pinalakol sa ulo, patay

Jeff Tumbado
Sep 13, 2019
1 min read

Natagpuang patay at may nakabaon pang palakol sa ulo ang sinasabing katiwala ng isang quarry site sa Surallah, South Cotabato.

Nakita ang bangkay ng biktimang si Joel Eleuterio sa bunkhouse ng quarry site sa Bgy. San Vicente, kamakalawa ng hapon.

Posible umanong tulog ang biktima nang palakulin ng hindi pa matukoy na salarin.

Wala rin umanong nakitang palatandaan ang mga imbestigador na nakapanlaban o nagtangkang tumakas pa ang biktima.

Naka-lock pa umano ang pinto nang magpunta roon ang mga pulis habang tinutugis nila ang suspek o person of interest na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page