Gamit ang gunting.. Bucor officer, sinaksak ng preso

Sinaksak ng isang inmate na may problema umano sa pag-iisip ang isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.
Agad dinala sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Inspector Edgardo Ferrer, duty officer ng NBP na nagtamo ng saksak sa katawan.
Kinilala ang inmate na nanaksak na si ‘Wilson’ na nakakulong sa maximum security compound Building 4A.
Bandang alas-8:00 ng umaga habang ina-account ang mga inmate sa Building 4A ng maximum security compound nang bigla umanong nilapitan ng inmate na may schizophrenia si Inspector Ferrer at sinaksak gamit ang gunting.
Samantala, dinala agad sa psychiatric ward ng NBP si ‘Wilson’ para sa pagsusuri.





Comments