top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Mga Mayor, todo-sipag dahil gustong mag-ala-Digong

Isko Moreno
Sep 12, 2019
1 min read

NAKAKATABA ng puso ang mga binitawang salita ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa. Thank you for the kind words, Mr. President, but to be really honest, isa kayo sa mga inspirasyon ko sa kung anumang klase ng liderato na meron kami.

Noong nagagawi pa tayo sa Davao nu’ng araw na hindi lingid sa kaalaman ng karamihan, lalung-lalo na ‘yung mga taga-Maynila na naninigarilyo ako, pero kapag nasa Davao City ako, takot na takot akong manigarilyo dahil alam kong huhulihin ako.

In fact, there was one time, galing kami ng Tagum pabalik ng Davao City. Medyo dis-oras na ng gabi, pero biglang bumagal ang takbo ng sasakyan namin, so, tinanong namin ‘yung driver kung may problema. Simple lang ‘yung sagot niya, “Kasi nasa Davao City na tayo. Kahit gabi rito, may pulis man o wala, sumusunod po kami sa batas-trapiko.”

So, I think kung anuman ang nakikita nating pagpupursige ng mga alkalde sa buong Pilipinas — hindi lang ako — ay reflection lamang ng klase ng liderato ng pangulo na meron tayo.

As I always say, it’s not the severity of punishment itself but the certainty of getting caught that deters a person from committing a crime.

So, we owe it to you, Mr. President, for inspiring us and for becoming a good example to all of us.

Dapat din nating papurihan ang mga kasamahan nating alkalde na patuloy na nagsusumikap na mapaganda ang kani-kanilang siyudad at munisipyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page