top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga iskolar ng bayad, sapul sa P11.65 bilyong budget na ibinawas sa CHED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2019
  • 2 min read

KINALTAS NA BUDGET NG CHED, HU­WAG SANA SA ‘PORK’ NG MGA ‘BUWAYA’ MAPUNTA—Binawa­san ng mga kongresista ng P11.65 bilyon ang badyet ng Commission on Higher Education (CHED) sa 2020 National Budget at dahil d’yan, asahan nang malaki ang magiging epekto nito sa mga estudyanteng iskolar sa State Universities and Colleges (SUCs).

Saan kaya mapupunta ang P11.65 bilyong cut sa badyet ng CHED? Siguraduhin n’yo lang na hindi ‘yan mapupunta sa “pork barrel” ng mga “buwaya” sa Kongreso. Buwisit!

◘◘◘

PATI ANG MGA PATAY, SINUSPINDE AT KINASUHAN NG OMBUDSMAN—Dalawa sa mga patay nang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na sina New Bilibid Prison (NBP) Supt. Francisco Abunales at Supt. Roberto Rabo ang nakabilang sa mga sinuspinde at sinampahan ng kasong graft ng Ombudsman kaugnay sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law sa pagpapalaya sa mga kriminal na na­akusahan ng heinous crimes.

Onli in da Pilipins, pati ang mga dead, sinususpinde na, inaasunto pa, boom!

◘◘◘

FEELING NI FAEL­DON MAS MAKA­PANG­­YA­RIHAN SIYA SA DOJ SECRETARY? — Nakasaad sa GCTA Law na dapat humingi ng permiso ang BuCor director sa DOJ secretary bago magpalaya ng preso, pero hindi ito ginawa ni ex-BuCor Chief Nicanor Faeldon.

Feeling yata ni Faeldon, mas makapangyarihan siya kaysa kay DOJ Sec. Menardo Guevarra kaya dinedma na lang niya ito sa pagpapalaya sa mga drug lords, rapists at murderers, buwisit!

◘◘◘

JUETENG NI ‘ARE­ZA’, PARANG LEGAL NA SA CAVITE — Kung noon, patago pa ang raket na jueteng ni “Areza” sa Cavite, ngayon daw ay lantaran na.

Kung ganu’n, parang legal na pala ang jueteng sa jurisdiction nina Gov. Jonvi Remulla at PD Col. William Segun, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page