Isko, mas may ‘K’ sa ‘kin — P-Digong
- Mylene Alfonso
- Sep 12, 2019
- 1 min read

BILIB umano si Pangulong Rodrigo Duterte kay Manila Mayor ‘Isko Moreno’ Domagoso sa pagresolba ng mga problema sa naturang lungsod.
“Mas mahusay siya kaysa akin, sa totoo lang. Oo, may nakita ako na mas mahusay ang resolve niya kaysa akin. Plus two ako sa kanya,” ayon kay P-Duterte.
Samantala, inamin ni Domagoso na isa si P-Duterte sa kanyang mga inspirasyon.
Naalala umano niya noong nagagawi siya sa Davao ay hindi siya naninigarilyo dahi takot siyang mahuli.
Isang beses pa umano na galing sila sa Tagum at pabalik sa Davao City at dis-oras na ng gabi nang mapansin niyang bumagal ang kanilang sasakyan at nang tanungin niya ang driver at simple lang ang naging sagot ng driver dahil nasa Davao umano sila at mayroon mang pulis o wala ay sumusunod sila sa batas-trapiko.





Comments