Hindi madali pero dapat kayanin... Tips para hindi ma-homesick
- Justine Daguno
- Sep 12, 2019
- 2 min read

SA sobrang tindi ng traffic sa bansa, malaki ang advantage kapag malapit ka lang sa school o work place mo. ‘Yung tipong imbes na magpapahinga ka na pagkatapos ng stressful na araw, eh, hindi mo magawa kasi kailangan mo pang makipagbakbakan sa traffic. Hays!
Kaya naman, marami sa atin ang mas piniling mag-dorm o lumipat na lang sa mas malapit na lugar, pero siyempre, dahil tayong mga Pinoy ay likas na malapit sa pamilya, struggle rin sa atin ang home sickness pero, worry no more dahil narito ang ilang tips para sa mga beshy nating naho-homesick:
1. MAGING ABALA. Kapag marami tayong ginagawa, wala tayong time para makapag-emote. Imbes na magdrama, gawing productive ang bawat araw. Gawin mo lahat ng puwede mong gawin — mag-review, mag-advance reading, magsulat, maglaba, maglinis, matulog at iba pa.
2. MAGDALA NG ILANG ‘HOME COMFORTS’. Sabi nila, isa sa mga pinakakomportableng lugar sa mundo ay ang ating tahanan kaya kahit saanman tayo magpunta, ito pa rin ang lugar na pinakamasarap uwian. Kaya oks kung isasama mo sa pag-iimpake ang paborito mong kumot, unan, tasa, family picture n’yo at iba pang ‘home comforts’.
3. TUMAWAG SA PAMILYA. Madalas man tayong ‘feeling strong’, kailangan pa rin natin ang ating pamilya. Kaya kung super nami-miss mo na talaga sila, wala namang masama kung tumawag ka sa kanila para makipagkumustahan at makipagkuwentuhan, pero dapat paminsan-minsan lang kasi kung everyday ka rin tatawag sa kanila, umuwi ka na lang, ganern!
4. BIGYAN NG ORAS ANG SARILI. Dahil may sarili ka nang space, may pagkakataon ka nang gawin ang mga trip mo sa buhay. Kung meron ka mang hobby o interesting na bagay na hindi mo magawa noon, puwede mo na itong gawin dahil walang mang-iistorbo sa’yo.
5. MAG-EXPLORE. Isa sa mga dahilan kaya tayo naho-homesick ay dahil hindi tayo pamilyar o komportable sa bagong lugar. Magandang ideya kapag may free time ka, i-explore ang lugar na ‘yun. Alamin mo kung saan may restoran na masarap kainan, pinakamalapit na palengke, ospital, Simbahan at iba pa.
Sa totoo lang, hindi madaling i-survive ang homesickness lalo na kapag unang beses mong malayo sa pamilya, pero hindi tayo dapat magpatalo kasi parte lang ito ng sistema. Kapag na-survive mo na ‘yan, ready ka na rin sa iba pang ‘struggle’ na darating sa buhay mo kasi ibig sabihin, kaya mo nang lumabas sa ‘comfort zone’ mo.
Copy?





Comments