Highest attendance sa kamara, naitala


NAITALA ang pinakamataas na numero sa pagdalo ng mambabatas noong magbukas ang 18th Congress nitong July 22 hanggang September 10, kung saan umabot sa 247 kongresista ang pumasok para sa kabuuang 18 session days.
Ang pinakamataas na attendance ay patunay umano ng pagiging makabayan ng mga mambabatas sa pangunguna at paggabay ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, nahalal na majority leader noong 16th Congress, hinahangaan niya ang mga kapwa niya kongresista sa kanilang ipinakikitang dedikasyon sa tungkulin matapos lumabas ang mataas na attendance record.
Kaugnay nito, nagawa nang maayos ng House ang pagtalakay sa General Appropriations Bill (GAB) para sa 2020, sa antas ng Committee on Appropriations.
Nabigyang-daan ang mga hearing na ginawa sa maiksing panahon na nagresulta sa pagpasa ng tatlong pinakaaabangang priority measures sa pangatlo at huling pagbasa. (BRT)





Comments