top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ginang, edad 4 at 5 natusta

Mylene Alfonso
Sep 12, 2019
1 min read

DEDO ang tatlong magkakamag-anak nang ma-trap sa kanilang bahay na nasunog kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.

Ayon kay Fire Insp. John Jalique, unang napaulat na nawawala ang mga biktimang sina Mara Beneza, 23, anak nitong si Leo Lance Tequillo, 4, at pamangking si Andrei Tequillo, 5, pero nang makontrol na ang apoy ay nakita ang kanilang sunog na katawan sa loob ng kanilang bahay na magkakayakap.

Habang dalawang bata pa na nasa edad 7 at 8 ang nagtamo ng first at second-degree burns sa naganap na sunog.

Ayon kay FO1 Axel Ramos, alas-6:17 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang dalawang palapag na residential building sa Honorio Lopez Boulevard, sa Tondo. Ayon kay Michelle Bacanza, kaanak ng mga biktima at residente rin sa lugar, hindi nakalabas ang mga biktima sa nasusunog nilang bahay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page