top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dagdag-buwis, kina-career ng kampo ni Speaker Cayetano

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2019
  • 2 min read

NANG hindi payagang “dyuminggel” ang isang bakla sa CR na pangbebot, nagulo ang Kongreso, pero ngayong papatawan ng buwis ang sigarilyo at alak, bakit tameme sila sa mga lasenggo’t yosi-kadiri?

Mas pinakinggan ang putak ng bakla kaysa sa iyak ng senglot.

He-he-he!

◘◘◘

ISASABAY din dito ang panukalang-batas sa PIFITA.

Hindi ‘fefita falayfay' kundi PIFITA as in “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act”.

Hindi buwisit na bakla kundi ang buwisit na buwis!

◘◘◘

NAKAHANDA ang grupo ni Speaker Alan Peter Cayetano na idepensa ang PIFITA upang magkaroon ng dagdag-buwis na siyang prayoridad ng Duterte administration.

Ka-tandem nito ang FIA, ang “Amendments on Foreign Investments” na hihigop sa mga investors na magnegosyo sa ‘Pinas!

◘◘◘

KASIMBILIS ni Cardo Dalisay sa telenobelang “Ang Probinsyano” ang pagbunot ng boga ng mga kongresista kasi tiyak na mamadaliin ang pagpapatibay ng mga naturang batas.

Kaliwa’t kanan ang committee hearing sa Kamara na parang naghahabulan sa Tour of Luzon!

◘◘◘

AYON sa chairman ng House Committee on Ways and Means na si Rep. Joey Salceda, aamyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997.

Ito na mismo ang Fourth Package ng Comprehensive Tax Reform Program ng Duterte administration!

◘◘◘

SINABI naman ng awtor ng FIA bill na si Rep. Victor Yap na papayagan na ang mga dayuhan na mag-practice ng kanilang propesyon sa Pilipinas.

Hindi lang sila magnenegosyo, maghahanap­buhay pa sila sa ‘Pinas!

◘◘◘

INAAPURA ni Speaker Cayetano ang pagpapatibay ng mga priority bills ni P-Digong dahil 15 buwan na lang siyang magiging Speaker.

“Sana, ako’y maging karapat-dapat at sana, ay tulungan n’yo ako sa loob ng 15 buwan,” pakiusap ni Speaker Cayetano!

◘◘◘

NAGKATOTOO ang analisa ni Institute for Political and Electoral Reform Executive Director Ramon Casiple sa pagsasabing “big boost” ang bagong Speaker sa 18th Congress.

Ito ay makukumpirma kapag napagtibay ngayong Oktubre ang 2020 National Budget na halos paniwalaan-dili sa kasaysayan ng Kongreso!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page