CDM team, mahalagang ma-orient sa Seag hosting

MAGPUPULONG ang Chef de Mission (CDM) team, sa pamumuno ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez, kasama ang mga competition managers, presidents at secretary generals ng national sports associations bukas, Biyernes, Sept. 13 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang meeting ay magsisimula ng 10 a.m., at pag-uusapan ang ilang mahahalagang bagay sa paghahanda ng nalalapit na pag-host ng bansa ng 30th Southeast Asian Games. Dadaluhan din ang pulong ni Tom Carrasco, na kakatawan sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) bilang Director ng Operations.
Sa regular CDM team meeting kahapon, napagpasyahan ng mga opisyal na talakayin ang isyu ng ticketing, venues maging ang usapin ng protocol, billeting, transportation at ang Torch Run bilang bahagi ng paghahanda ng biennial meet sa Nob. 30 - Dec. 11. Sinabi rin ni Ramirez, ang Chef de Mission ng Team Philippines, “If there are any lapses, the PSC will come in to fill in the gaps. We have no more time. We have just a bit over two months before the Games,” ayon kay Ramirez.
Idinagdag niya na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging ekselente ang hosting ng laro bilang pangako ng gobyerno sa lahat. Ito ang ikalimang beses na pagpupulong ng CDM team sa NSA officials upang malunasan ang ilang mahahalagang isyu.





Comments