top of page

Alipunga, nakakahawa, naku-kuha sa mga swimming pool

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Sep 12, 2019
  • 2 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Nagkaroon ako ng alipunga na marahil dahil madalas akong nanghihi­ram ng medyas sa roommate ko at sob­rang diyahe talaga kaya gusto kong malaman kung ano ang dapat gawin para mawala ito? — Arbi

Sagot

Ang alipunga o athlete’s foot ay impeksiyon sa balat na nakaaapekto sa mga paa. Ito ay maaari ring dumapo sa mga kamay at kuko. Ang alipunga ay hindi seryoso tulad ng ibang sakit, pero ito ay hindi madaling gamutin at ito rin ay nakakahawa.

Ang alipunga ay tumu­tubo kapag ang fungus na tinea ay namuhay sa mga paa. Maaaring mahawa ng fungus sa pamamagitan ng pakiki­halubilo sa mga taong may alipunga o paghipo sa mga bagay na kontaminado ng fungus. Nabubuhay ang tinea sa lugar o bagay na mainit at mamasa-masa. Ito ay kadalasang matatagpuan sa banyo o swimming pool.

Ano ang mga sinto­mas ng alipunga?

  • Pangangati at paghapdi sa gitna ng mga daliri

  • Pangangati at paghapdi sa mga sakong ng mga paa

  • Pagkakaroon ng makating paltos sa paa

  • Pagbibitak-bitak at pangangaliskis ng mga paa, lalo na sa sakong at mga daliri

  • Pagkatuyo ng balat sa sakong at sa gilid ng mga paa

  • Pagkapal at pagpangit ng kulay ng mga kuko

  • Kusang paghiwalay ng kuko sa mga daliri

Ano ang gamot sa alipunga?

Ang alipunga ay kadalasang nagagamot ng mga over-the-counter na gamot laban sa fungus, pero kapag hindi pa rin nawala ang alipunga, makabubuting ipa-check-up na ito nang sa gayun ay maresetahan ng antibiotic at iba pang gamot.

Paano maiiwasan ang alipunga?

  • Ugaliing hugasan ang mga paa gamit ang sabon na may anti-microbial properties.

  • Gumamit ng antifungal powder sa mga paa, araw-araw.

  • Huwag manghiram o magpahiram ng tsinelas, medyas, sapatos o tuwalya sa mga taong may alipunga.

  • Panatilihing tuyo ang mga daliri lalo na ang gitna ng mga daliri matapos maligo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page