2nd championship, inangkin ng Balanga sa 3x3 magiting cup
- A.Servinio
- Sep 12, 2019
- 1 min read

NASUNGKIT ng Wikins Balanga ang kanilang ikalawang kampeonato sa Chooks To Go Pilipinas 3X3 Magiting Cup handog ng Coca-Cola Martes ng hapon sa SM City BF Parañaque. Pinasok ni Karl Dehesa ang dos na may dalawang minuto sa orasan para tuldukan ang mainit na laro kontra sa kanilang matinding karibal na Equalivet Pasig, 21-20, at mag-uwi ng P100,000 at inihaw na manok.
Bago ang lahat, winasak ni Alvin Pasaol ang huling tabla ng laro, 19-18. Agad itong sinagot ng dos ni Dylan Ababou upang ibalik ang lamang sa Pasig, 20-19, subalit pinasa agad ang bola sa naiwanang libre na si Dehesa.
Binura ng Balanga ang noong nakaraang linggo ang Fyr Fyter Bacolod sa semifinals, 21-14. Pinauwi ng Pasig ang Phenom Basilan CTC Construction, 21-18, sa likod ng dos ni Ababou na may 1:09 sa orasan.
Nagpamalas ng kakaibang talas ng shooting ang Balanga sa quarterfinals kung saan pinaulanan nila ng 11 dos ang Uling Roasters Bulacan, 21-15. Sa elimination round noong umaga, winalis ng Partas Narvacan, 21-9, at Wilkins Muntinlupa, 22-10, para maging numero uno sa Grupo C.





Comments