top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wala nang maitatago sa aktor… Rita, kumantang nakita na ni Ken ang lahat-lahat sa kanya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Sina Ken Chan at Rita Daniela ang journey hosts sa Season 2 ng The Clash. Sila ang tututok sa buhay at journey, off-camera ng 64 clashers.

Ang The Clash ay isa lang sa mga bagong shows nina Ken at Rita na sinu­werte ang tambalan mula nang ipakilala sa My Special Tatay.

Sabi ni Ken, close na silang dalawa pero sagot ni Rita, walang malisya ang closeness nila at pure friendship ang namamagitan sa kanila dahil kung hahaluan ng malisya, baka masira ang pagkakaibigan nila.

Dagdag pa ni Rita, nakita na ni Ken ang lahat sa kanya sa My Special Tatay kaya komportable na silang dalawa sa isa’t isa.

Bukod sa The Clash at One of the Baes na pagbibidahan naman nina Ken at Rita, parang gagawa pa sila ng movie sa Regal Entertainment dahil sa meeting nila kay Mother Lily Monteverde, nabanggit nilang nay sorpresa sa kanilang dalawa ang lady producer.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page