Taxi nawalan ng preno, 10 nadale

SAMPU katao ang sugatan matapos mawalan ng preno ang isang taxi at araruhin ang mga ito sa Bgy. Pineda, Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Ginagamot sa Rizal Medical Center at The Medical City ang sampung biktima habang nasa kustodiya ng Pasig City Police ang suspek na si Roberto Marquez, 58, driver ng Toyota Vios taxi (UWB 534).
Alas-7:30 ng gabi, minamaneho ni Marquez ang kanyang taxi at patungong southwest ng Pasig Boulevard kasabay ang Suzuki motorcycle nang bigla umano itong mawalan ng preno. Nabangga ng taxi ang hulihang bahagi ng dalawang motorsiklo, sanhi upang sumemplang ang mga ito at masugatan ang mga rider.
Nagtuluy-tuloy ang taxi at nasagasaan ang iba pang bystanders at naghihintay ng masasakyan.





Comments