top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sen. Drilon, aminadong palpak ang GCTA law ni ex-P-Noy

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 11, 2019
1 min read

HIRIT NI SEN. DRILON, PALPAK ANG GCTA LAW—Inamin ni Sen. Franklin Drilon na may mga pagka­kamali sa panukalang-batas na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law na nilagdaan at isinabatas ni ex-P-Noy dahil hindi naging malinaw sa batas na ito kung kasama o hindi sa mabibiyayaan sa GCTA ang mga napan sa mga kasong heinous crimes.

Kumbaga, parang inamin na rin ni Sen. Drilon na palpak ang batas na GCTA ni ex-P-Noy, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

SEN. GORDON, BAKA MA­KA­­­TIKIM NG BANAT KAY P-DU­­TER­TE? —Ayon kay Sen. Richard Gor­don, mali raw na ipagtang­gol ni P-Duterte si ex-BuCor Chief Nicanor Faeldon, dahil base raw sa imbestigasyon nila sa Senado, inabuso nito (Faeldon) ang kanyang tungkulin sa pagpapalaya sa mga kilabot na kriminal.

Naku, baka maka­tikim na naman si Sen. Gordon ng banat kay P-Duterte tulad ng pag-atake ng pangulo sa kanya nang kuwesti­yunin niya noon ang militarisasyon sa Du­terte gov’t., boom!

◘◘◘

IPE, DAPAT DU­MIS­TANSIYA MUNA KAY P-DU­TERTE — Matapos mada­kip sa drug-bust operation ang pamangkin ni Phillip Salvador na si Deborah Sun (Jean Louise Salvador), dapat dumistansiya muna ang aktor kay P-Duterte.

Hindi magandang tingnan na galit si P-Duterte sa mga sangkot sa droga tapos didikit-dikit sa kanya si Ipe na may pamangkin na sabit sa droga, period!

◘◘◘

QUEZON CITY, MAY JUE­TENG NA, MAY LOTTENG PA!—Lantaran na raw ang operasyon ng raket na jueteng at lotteng sa Quezon City.

O, ano pa ang hinihintay n’yo, Mayor Joy Belmonte at Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Joselito Esquivel, Jr.? Aksiyon na, ipatokhang n’yo na ang mga jueteng at lotteng operators sa QC, dali!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page