Sand paper, raketa sa Pampanga ping pong tilt


IDARAOS ang isang table tennis tournament sa lalawigan ng Pampanga bilang world elimination ng Ping Pong sa San Simon National High School Pampanga.
Paglalabanan ang mga kategoryang National A, National B, Senior Citizens at International event kung saan ang magkakampeon ay tatanggap ng halagang P30,000, 2nd ay P25,000, 3rd ay P20,000, kung saan ang 4th hanggang 20th place ay may consolation prizes sa 1st Jun Simon Punzalan world elimination of Ping Pong.
Sa international event ay dalawa lang ang pipiliin na lalahok sa World Championship of Ping Pong sa Enero 26-26, 2020 sa Alexandra Palace sa London.
Pangangasiwaan ito ng Presidente ng Table Tennis sa Pilipinas na si Ting Ledesma.
Sa buong mundo ay 64 lamang ang maglalaban-laban at kung sino ang mananalo sa London ay bibigyan ng $20,000.
Maaari pang lumahok ang gustong sumali ay tawagan lang si Ju Ducusin sa 09325835867.
Sa Sabado at Linggong darating na ang laban. Simula ng 8 a.m. Ang dadalhing uniform ay pula at asul. Libre ang pagkain at ang accomodation.
Ang 4 na magtsa-champion sa apat na category ng National A at B, Senior at International ay maglalaban-laban at ang mananalo ay bibigyan ng isang Table Tennis na nagkakahalaga ng P30,000.
Lalahok sa event ang 12-anyos na si Aljay Villena na lumahok na sa World championship of Ping Pong noong 2018. (MC)





Comments