PVL: Perlas at Petrogazz Maghahatakan sa 2nd place

MAG-AAGAWAN ang Banko-Perlas at ang koponan ng Reinforced Conference titlist Petrogazz sa ikalawang puwesto sa pagtatapos ng kampanya nila sa unang round ng PVL Season 3 Open Conference ngayong hapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Magkasalo ang dalawang koponan sa kasalukuyan sa ikalawang posisyon kasunod ng namumuno at undefeated defending champion Creamline (8-0) hawak ang parehas na barahang 5-2, panalo-talo.
Magtutuos ang Perlas Spikers at Angels sa huling laro ngayong 6 p.m. kasunod ng unang dalawang salpukan, ang tapatang Motolite at Choco Mucho sa unang laban ganap na 2 p.m. at ang sagupaang militar ng Pacific Town Army at Air Force ganap na 4 p.m.
Tatangkain ng Petrogazz na palawigin ang naitalang 4-game winning streak habang sisikapin ng Perlas Spikers na isara ang unang round sa pamamagitan ng apat na sunod na panalo.
Pipilitin na bumalik ng winning track ng Motolite matapos biguin sa nakaraan nilang laban ng PetroGazz kontra sa baguhang Choco Mucho (2-4) na magsisikap na umangat sa gitna sa pagpuntirya ng ikatlo nilang panalo. Patatatagin ng Lady Troopers ang kapit sa no.4 spot sa pagsagupa nila sa winless pa ring Air Force. (VA)





Comments