P7-B budget, pambili ng palay sa local formers
- Jeff Tumbado
- Sep 11, 2019
- 1 min read

MAGLALAAN ng pondo ang House of Representatives para sa pagbili ng palay sa mga local farmer sa bansa. Ani Speaker Alan Peter Cayetano na bukod sa pagbili ng palay, kabilang sa kanilang nais bigyan ng malaking halaga ay para sa pagpapaunlad ng police at military installations.
Sinabi pa ni Cayetano na kanyang itutulak na mataasan pa ang P7 billion allocation para sa rice program ng administrasyong Duterte dahil sa sobrang baba ng presyo sa sinasabing palay farm gate na kasalukuyang nararanasan ng mga magsasaka sa bawat probinsiya sa buong bansa.
“‘Yung P7 billion na pambili ng palay ay kulang na kulang if we want to solve the crisis sa presyo ng palay,” pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano mula sa Taguig-Pateros District.





Comments