top of page

Hindi lang pampapayat, iwas-diabetes at heart failure pa… Health benefits ng chia seed, alamin!

  • Thea Janica Teh
  • Sep 11, 2019
  • 2 min read

Updated: 6 days ago

ni Thea Janica Teh @Bulgarific Lifestyle


Chia seed for healthy body


LEMON juice, cin­namon tea, green tea, lahat na lang ng juice at tea, natikman na natin, ma-achieve lang ang healthy body, pero hindi lahat ng nutrients na kailangan ng ating katawan ay makukuha sa juice o tea sa isang inuman lamang. Kaya sure na magugus­tuhan ninyo ang isa sa ingredient na ito para maka­kuha kayo ng maraming health benefits at ito ay ang chia seed. Ang chia seed ay edible seed na mula sa salvia hispanica, flowering plant na kapamilya ng mint. Sa liit nito, hindi natin aakalain na marami pa lang health benefits ang makukuha rito, narito ang ilang halim­bawa:

1. IWAS-DIABETES. Ang chia seed ay kilala sa pagiging natural treatment sa Type 2 diabetes dahil kaya nitong paba­galin ang ating digestive system. Ang gelatinous coating din ng chia seed kapag nahahalo sa liquid ay nakapag­papababa ng blood sugar.

2. MORE FIBER. Sa 28 grams ng chia seed o 1oz. ay makakukuha tayo ng halos 11 grams ng dietary fiber! Maganda itong isama sa ating diet para makakuha ng sapat na fiber na maganda sa ating digestive system.

3. OMEGA-3 FATTY ACID. Sa 1oz. serving ng chia seed, makakukuha tayo ng halos 5 grams ng fatty acid na maganda sa ating brain! Bukod pa rito, maiiwasan din ang pagkakaroon ng dementia o Alzheimer’s disease.

4. STRONGER TEETH AND BONES. Mayroong 18% ng calcium ang daily intake ng chia seed. Maganda ito para panatilihing malakas at matibay ang ating mga buto at ngipin. Nakatutulong din ito para maiwasan ang osteoporosis.

5. BELLY FAT NO MORE. Mga besh, isama na ang chia seed sa diet dahil mainam itong pampawala ng belly fat at kaya rin nitong maiparamdam kaagad sa atin ang kabusugan dahil sa tryptophan na taglay nitong amino acid. Kaya nitong ma-regulate ang ating appetite, sleep at nakapagpapaganda pa ng mood.

6. HEART HEALTH. Ang chia seed ay kayang ma-improve ang ating blood pressure at paramihin ang healthy cholesterol. Iwas-heart failure, magiging healthy pa ang ating puso!

Ilan lamang ‘yan sa health bene­fits na makukuha natin sa chia seed. Maaari natin itong isama sa ating smoothie, juice, yogurt, chia brownies, chia omelette at marami pang iba.

Hindi lang tayo magiging fit, magiging healthy pa tayo at makaiiwas sa mga malulubhang sakit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page