Helmet na pasado sa DTI ang puwede lang isuot ng mga riders
- BULGAR

- Sep 11, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Maaari bang gumamit ng kahit anong klaseng helmet tuwing sasakay ng motorsiklo? — Vanessa
Dear Vanessa,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 3 ng Republic Act No. 10054, o mas kilala sa tawag na “Motorcycle Helmet Act of 2009” kung saan nakasaad na:
“Section 3. Mandatory Use of Motorcycle Helmets. - All motorcycle riders, including drivers and back- riders, shall at all times wear standard protective motorcycle helmets while driving, whether long or short drives, in any type of road and highway.
Standard protective motorcycle helmets are appropriate types of helmets for motorcycle riders that comply with the specifications issued by the Department of Trade and Industry (DTI)” (Binigyang-diin).
Samakatwid, hindi lahat ng klase ng helmet ay puwede ninyong gamitin tuwing sasakay kayo ng motorsiklo. Bagkus, ang mga helmet lamang na nakasunod sa mga specification na ibinigay ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dapat ninyong gamitin sa nabanggit na sitwasyon.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.




Comments