Gilas, nangulelat sa Fiba, “Out na sa Seag”- Guiao
- Alvin Olivar
- Sep 11, 2019
- 2 min read

NAKATAKDANG kausapin ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang mga opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pangunguna ng presidente na si Al Panlilio at chairman emeritus Manny V. Pangilinan.
“Nothing is on the table right now as far as the future of the national team is concerned. I’m not even thinking of the Olympic Qualifying Tournament for Tokyo yet. I have to talk to our SBP bosses as soon as I arrive. We cannot tackle that problem yet until I meet with SBP officials,” saad ni Guiao sa panayam ng Spin.ph.
Matapos ang World Cup ay susunod na pagtutuunan ng pansin ng Gilas Pilipinas ang darating na 30th Southeast Asian Games kung saan ang bansa ang magiging host mula Nob. 30 hanggang Dis. 11.
Posibleng mga manlalaro mula sa PBA ang maglalaro para sa bansa sa SEA Games upang masiguro ang ginto para sa SEA Games na gaganapin sa Mall of Asia Arena.
Samantala, tumapos sa panghuling puwesto ang Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup 2019 sa China sa pagtatapos ng classification round ng kompetissyon.
Bukod sa Gilas ay tatlo pang koponan ang walang naitalang panalo sa kompetisyon ngunit nagtapos ang koponan sa pang-32nd at huling puwesto sa kompetisyon dahil sa -147 na losing margin sa lima nitong laro.
Kumpara noong 2014, nagtapos na pang-21st sa 24 na koponan sa World Cup na ginanap sa Spain.
Dumating na sa bansa ang Gilas Pilipinas mula sa Beijing kahapon at ang mga manlalaro ay magpapahinga ng ilang araw bago bumalik sa kani-kanilang mga koponan.
Malaking kuwestiyon ngayon ang magiging kinabukasan ni Gilas head coach Yeng Guiao pagkaraan ng masamang kampanya ng Pilipinas sa World Cup.





Comments