top of page
Pokwang.jpg

Bebot na nakaupo lang sa motor, dedbol sa van

Pabs Hernandez III
Sep 11, 2019
1 min read

NEGROS ORIENTAL—Isang babae ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van ang kinauupuan nitong motorsiklo kamakalawa sa bayan ng Sibulan.

Ang biktima ay nakilalang si Connie Gulay, nakatira sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa ulat, habang nakaupo si Gulay sa nakaparadang motorsiklo ay aksidente itong nabangga ng van na minamaneho ni Ronelo Sayson.

Dinala ng mga saksi si Gulay sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, kusa namang sumuko sa mga awtoridad si Sayson.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page