Azkals, nakaresbak, Guam, sinakmal sa 4-1
- BULGAR

- Sep 11, 2019
- 1 min read

SALAMAT naman at nakatikim na ng panalo ang Philippine Azkals makaraan nilang talunin ang Guam, 4-1, sa 2022 FIFA World Cup Qualifiers kahapon sa GFA Centre Lower Field sa Dededo, Guam.
Nagawang makabawi ng Azkals mula sa pagkabigo nila sa opening game mula sa lupit ng Syria. Naka-goal si Angel Guirado para sa unang puntos ng Phl Azkals sa ikaanim na minuto nang makakonekta ng cross shots mula kay captain Stephan Schrock. Dumoble ang kalamangan ng Azkals sa ika-12 minuto nang maipasok ni Patrick Reichelt ang through ball, 2-0. Hindi nagpapadaig ang Guam sa second half nang magawang makaiskor sa pamamagitan ng spot kick si Marcus Lopez sa 67th minute.
Pero hindi nagpabaya ang Azkals at hindi nagulantang sa porma ng Guam nang itala ni Schrock ang unang goal sa World Cup qualifiers makaraan ang apat na minuto. Nagawa nang makalayo ng iskor ng mga Pinoy nang rumehistro si midfielder John Patrick Strauss ng ikaapat na puntos ng Azkals sa ika-81 minuto. Susunod na kakalabanin ng Pilipinas ang China sa Oktubre 15 sa Bacolod City.
Umaasa ang Pilipinas na magtapos na nangunguna sa grupo o kaya ay makapagtala ng best four runner-up records mula sa walong grupo na lumahok, para umabanse sa susunod na round ng FIFA World Cup qualifiers. (MC)





Comments