Proseso ng pag-aampon, walang bayad para sa mahihirap
- BULGAR

- Sep 10, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Mayroon ba kaming kailangang bayaran para sa pag-apply ng administrative adoption para sa aming itinuring na anak dahil kami ay mahirap lamang at walang kakayahang magbayad ng malaking halaga? — Rolly
Dear Rolly,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Republic Act No. 11222, o “Simulated Rectification Act”. Nakasaad sa Section 13, Article IV ng nasabing batas na:
“Section 13. Social Fees. – The City or municipal SWDO, the Regional Director, and the Office of the Local Civil Registrar may charge socialized fees to those who avail of the administrative adoption proceedings under this Act. Fees shall be waived if the petitioner is indigent.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, malinaw na nabanggit sa batas na maaaring maningil ng bayad ang mga ahensiya ng gobyerno na may tungkulin para sa pagproseso ng administrative adoption. Gayunman, wala kayong kailangang bayaran kung inyong mapatutunayan na kayo ay indigent.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.




Comments